Asian University Digital Resource Network

Supporting local knowledge with digital tools, resource-sharing and networking

Kabanata 2 Ang Pagtitipon sa Gabi ng Asul na Buwan


Lumipas ang mga taon at ang munting babaeng sanggol ay naging dalaghita na sa edad na labing-lima. Lumaki ang bata ng may pagmamahal sa piling ng kanyang mga magulang. Ang kanyang pagkatao ay may nakatagong kahapon na sa unang pagtitipon lamang niya malalaman.

 

“Dalian niyo na at ang babaylan ay naghihintay sa atin!” Mahigit kumulang sa dalawamung pamilya ang kailangan na tipunin sa pagtitipon na ito. Ang pagtitipon ay nagaganap lamang sa tuwing ang kabilugan ng buwan ay sasapit. Ang magaganap ay pambihirang pagdiriwang sapagkat ito ang gabi ng asul na buwan. Maraming mahihiwagang kasaysayan ang isinasalaylay ng babaylan sa ganitong pagkakataon. At sa gabing ito mabubunyag ang hiwagang nakabalot sa buhay ni Lin-ay Lampuri.

 

“Ina, bakit ang pagtitipon ay dalawang beses sa buwang ito?,” sambit ng munting dalaghita na nagtataka sa isa nanamang pagtitipon. “Ang buwan na ito ay hindi pangkaraniwan. Ito ang buwang asul na minsan lang nangyayari. Ang sabi ng ating mga ninuno, ang gabing tulad nito ay puno kahiwagaan. Kaya ito ang tamang pagkakataon para isalaysay sa atin muli ng babaylang Marluja ang mga kakaibang kasaysayan. Mahiwagang kasaysayan.” Ang mag-ina ay patungo na sa sirkulo ng tribo dala ang kanilang alay para sa paunang ritwal para sa pagtitipon.

 

Ang gabi ay tahimik sa ibang ibayo at ang asul na buwan ay tila nakadungaw sa kanila kasabay ng mga kumikinang na bituin. Tila nagmamasid sa paunang ritwal na alay kay ala at sa lahat ng diyos at diyosa. Ang sayaw ng pagtitipon ay sinimulan na. Ang mga mananayaw ay nakasuot ng mga pangsayaw na damit kulay asul. Ang mga saya ng mga babae ay may mga diyamanteng nakakabit na hugis bilog. Ito’y kumikinang habang umiindayog ang mga mananayaw kasabay sa tugtog ng tambol.

 

Sila’y nagsasayaw sa palibot ng apoy na hinanda ng mga kalalakihan habang ang babaylan ay taimtim na nag-aalay ng kanilang mga alay at sinasambit ang kanilang dasal para sa ritwal ng pagtitipon. Ang lahat ay taimtim din na nagdadasal sa kani-kanilang sarili para sa gabing pagtitipon. “Bathala, sa gabing ito sana’y isang pagtitipon na magmumulat sa aking mga mata tungkol sa aking mga pansariling katanungan.”

 

note:Ikalawang kabanata po ito ng nobelang gawa ko. Ang unang kabanata nito ay nalathala na. Ang ikatlong kabanata nito ay ilalathala ko pagtapos na...Salamat sa pagsubaybay...

 

Views: 23

Tags: Lin-ay Lapuri, irish m. sequihod, kwento, nobela

Comment

You need to be a member of Asian University Digital Resource Network to add comments!

Join Asian University Digital Resource Network

Get AUDRN updates via email!

Enter your email address in the space below, then click on Subscribe:


Delivered by FeedBurner

© 2013   Created by Joel Yuvienco.

Badges  |  Report an Issue  |  Terms of Service

Offline

Live Video