Asian University Digital Resource Network
Supporting local knowledge with digital tools, resource-sharing and networking
Kabanata 5 Digmaang Agos at Lagablab
“Pinunong Hakim, ang mga hukbo ay nakabantay na sa kaninilang pwesto. Kami ay handa na para sa oras na ang mga Agos ay lulusob sa ating lugar.” Wika ni Bulgo ang pinuno ng mga mandirigma ng mga Lagablab. “Magaling Bulgo. Anumang oras ay pweding lumusoba ng mga walang kwentang mga Agos na iyan. Puntahan mo ang babaylang Silyab at papuntahin dito.”
Si Hakim ang hari ng mga Lagablab at sa kanyang pamumuno nagbunga ang digmaan laban sa mga Agos. Ang kanyang tanging hangad ay ang manakop at mapalawak niya pa ang kanyang sinasakupan. Dahil sa liit ng bilang nga mga Agos sila ay unti-unting napapailalim sa kanyang pamumuno. Subalit may isang grupo ng mga Agos an patuloy na lumalaban sa kanyang pamumuno at patuloy na tumutulong sa mga kapwa Agos. Ang hari ng mga Agos na si Langgoy ay nasa bihag ng mga Lagablab at ang mga grupong nag-aalsa laban sa pamumuno ni Hakim ay lumalaban para mabawi ang kanilang hari at para makatayong muli ang kanilang nawasak na kaharian.
“Mahal na hari, ako’y naririto para pagsilbihan kayo.” Bati ni babaylang Silyab. Pinatayo siya ng haring Hakim, “Ang patuloy na pakikipaglaban ng grupo ni Patak laban sa kaharian ko ay masyado nang balakid sa akin. Ikaw ba ay may paraan para malaman ang kahinanatnan ng digmaang ito?” Natakot ang babaylan sa galit na mukha ng hari bunga ng pagkainip na masakop niya na ng tuluyan ang mga Agos at ang hindi pagkahuli kay Patak na siyang namumuno sa mga sundalong naiwan ni haring Langgoy laban sa mga Lagablab.
“Mahal na haring Hakim, hindi ko pwedeng tawagin ang diyos ng Hinaharap na si Tanaw. Ang may kakayahan lamang na tumawag sa kanilang kauri ay si Babaylang Marluja lamang. Ipagpaumanhin niyo po ang kakulangan ko mahal na hari.” Lalong nagliyab pa ang galit ng haring Hakim sa narinig sa babaylan. “Kung gayun, gusto kung ipahanap ang babaylang sinasabi mo Silyab at dalhin sa akin sa lalong madaling panahon.”
At naglaho na nga sa harapan ng hari si Silyab upang ipagawa na nito ang ninanais ni hakim, ang ipahanap si Babaylang Marluja upang ipagpatuloy ang plano ng hari ng mga Lagablab. Sa kabilang dako naman ay tinitipon ni Patak ang grupo upang maghanda sa pinaplano nilang pagsulong sa palasyo ng mga Lagablab. “Ang lahat ng mga kawal ngayong gabi ay dapat maghanda sa magaganap na pagsulong sa palasyo ng mga Lagablab. Unahin nating sugurin ang lugar kung saan naka-imbak ang mga armas ng mga Lagablab. Gawin natin ito ng tahimik upang hindi sila maalarma at para ‘di nila malaman na tayo’y lulusob. Ang isang grupo ay dapat maghanap kay haring Langgoy. Ang lahat ng ito ay ginagawa natin upang mapaalis natin ang mga marahas na Lagablab sa ating kaharian. Gamitin natin ang ating mga sandata at kakayahan para sa puksa sa kanila!” Sigaw ni Patak sa mga kapwa sundalo.
Sa kailaliman ng gabi kung kailan ang lahat ay paayapa na at namahinga na ay siya namang pagkakataon sa pangkat ni Patak para sumugod sa palasyo ng mga Lagablab. Ang palasyo ay tila isang kweba dahil sa ito’y yari sa bato. Ang ilaw na nagsisindi nito ay iilan lamang kaya parang nakakubli ito sa kadiliman. Ang mga sundalo ay nakahanda na sa kanilang inaatasang puwesto. Si Patak ay sumama sa grupo na tutungo sa kaloob-looban ng palasyo upang mabawi ulit si haring Langgoy. Ang isang grupo naman na pinamumunuan ni Iglap ay tumungo sa lugar kung saan naka-imbak ang mga armas at gamit pandigma.
Nagtagumpay ang grupo ni Iglap. Nakuha nila ang mga gamit at armas panddigma ng mga Lagablab. Nang tangkain na nila ni Patak ang pagpasok sa Palasyo, nagsimula na ang totoong labanan. Magiting na nakipag-away ang mga Agos laban sa mga Lagablab na walang kamuwang-muwang na nilusob. Matinding labanan ang nangyari sa gabing iyon. Ang elemento ng Apoy laban sa elemento ng Tubig. Habang abala ang mga sundalo sa pakikilaban, si Patak ay nagtungo na sa kulungan ng Haring Langgoy upang ito ay kanyang iligtas. Pagkakita ni Patak sa kanyang hari, “Haring Langgoy! Madali at itatakas ka namin dito!” Sinira ni Patak ang kulungan ni Haring Langgoy upang ito’y makalabas. Nakalarawan sa mukha ng hari ang pananakit at pagpapahirap na iginawad sa kanya ng mga sundalong Lagablab. Hinihingi ng mga mananakop sa kanya na kumbinsihin niya ang nasasakupan nito na lumuhod na sa pamumuno ni haring Hakim kapalit ng kalayaan niya. Subalit hindi ito pumayag, mas gusto niya pang saktan siya ng mga walang-pusong sundalo kaysa magtiis ang kanyang mga kalahi sa kamay ng mga Lagablab.
Ang gabing iyon ay madugo at maraming buhay ang nakitil, subalit natagumpay ang mga Agos na mabawing muli ang kanilang hari. Naitakas man nila ang haring Langgoy, ay hindi pa ganap ang pagtatagumpay nila sapagkat iyon ay paunang hakbang lamang laban sa mga Lagablab.
© 2012 Created by Joel Yuvienco.
You need to be a member of Asian University Digital Resource Network to add comments!
Join Asian University Digital Resource Network