Asian University Digital Resource Network

Supporting local knowledge with digital tools, resource-sharing and networking

Kabanata 4 Ang Unang Pagtatagpo 

Sa pagsapit ng umaga, ang lahat ng nasa tribo ay abala na sa mga pang-araw-araw na gawain. “Lin-ay Lapuri! Bumangon ka na at magsalok ka na ng tubig sa may ilog. Wala tayong gagamitin mamaya na panligo. Bangon na at matayog na ang kinalalagyan ng haring araw.” Tawag ng inang abala sa pagluluto para sa agahan. Ang amo’y ng luto ni Kinya ang tanging nagpabangon sa kay Lin-ay Lapuri at hindi ang utos ng ina nito. Subalit wala siyang magagawa sapagkat iyon ang utos ng ina. “Magandang umaga ina. Nasaan ang ama?” tanong ng anak na abala sa pagsusuklay sa kanyang maitim at mahabang buhok. Sa edad ni Lin-ay Lapuri ay halata na ang pagiging dalaga nito. Ang hugis ng kanyang katawan at ang kagandahan ng mukha ang siyang nagpapatunay ng kanyang pagiging ganap na dalaga. Balingkinitan at matangkad na babae si Lin-ay. Ang bilog nitong mga mata ay napapayungan ng mga mahahaba at maiitim nitong pilik. Ang mga labi nito ay katamtaman sa kapal at ang kutis ng dilag ay pino at pantay kahit na ang kulay nito ay kayumangi. Sinusuklay ng dalaga ang maalong buhok nito na abot bewang. Ito ay nakagawi-an na niya bago pa man gumawa ng gawaing bahay.

“Nasa gubat ang itay mo. Sumama siya kanina sa mga iba pang kalalakihan sa tribo upang mangaso.” Sagot ng ina naabala sa pag-aayos ng kanilang hapagkainan. “Sige ina, ako’y tutungo na ng ilog para makasalok na ng tubig.” Bitbit ang banga na lalagyan ng tubig, si Lin-ay Lupuri ay tumungo na sa ilog. Dahil sa ang mga kubo ng tribo ay malapit nga sa ilog hindi mahirap kay Lin-ay Lapuri ang magsalok ng tubig. Ng babayin niya ang gilid nito upang makakita ng malinis na salukan, naiingganyo siya sa tunog ng agos ng ilog. Ang sinag ng araw ay mas lalong nagpapakinang sa malakrystal na agos nito. Bago pa man siya makasalok ay napaupo muna siya sa isang malaking bato. Tinatanaw niya ang palibot at humahanga dito. Ang lugar nila ay puno ng sariwang hangin at naamoy niya pa ang halimuyak ng mga bulaklak sa palibot.
“Magandang dilag na kagaya ko! Ano po ba ang pangalan nila?” sa sobrang gulat ni Lin-ay Lanpuri ay muntik na itong malaglag sa malaking bato. “Sino iyan? Sino ang tumatawag sa pangalan ko?” Gulat na tanong ng dalaga. Hinahanap niya ang pinagmulan ng boses subalit la siyang makita. Maya’t maya pa ay ang tubig sa malapitan ay naghugis tao at lumakad sa malaking batong pinapatungan niya. Sa hugis ng katawan nito ay korteng babae,“Sino ka?” tanong ni Lin-ay Lapuri habang bumababa siya sa batong kinalalagyan niya. “Ako si Dalag Serida. Ako’y isang Agos at ang batong tinatayuan mo kanina ay paborito kung pahingahan.” Sagot ng nilalang na tila pakikipagkaibigan ang pakay kay Lin-ay Lapuri. “Ipagpaumanhin niyo po pero la po akong masamang hangarin sa inyong pahingahan. Magsasalok lang sana ako ng tubig diyan sa ilog pagkatapos matingnan ang paligid.” Paumanhing sagot ni Lin-ay Lapuri. “Walang dapat ika-bahala mortal. Ang lahat ng pagmamay-ari ni Bathala ay dapat na ipinamamahagi sa lahat ng nilalang.

Ang tulad mo ay kakaiba, anong klaseng nilalang ka ba kaibigan?” Sinusuri siya ni Dalag Serida dahil ngayon lang ito nakakita ng tulad ni Lin-ay Lapuri. “Ano nga ba ulit ang pangalan mo dilag?” “Ako si Lin-ay Lapuri at ako ay isang tao. Sabi mo ikaw ay isang Agos, ano ba ang isang Agos na nilalang?” tanong ni Lin-ay Lapuri na sinusuri din ang kausap. Hinawakan niya ang pisngi ni Dalag Serida at napa-iktad ito dahil malamig ang nilalang na ito. “Ha...ha.,. ha...! Tulad ng sabi ko Lin-ay Lapuri ako ay isang Agos. Ang mga kauri ko ay namumuhay sa tubig kaya ang aming anyo ay tulad ng tubig. Kami ay nakakapunta sa iba’t ibang lugar sa pamamagitan pakikipagsanib sa tubig. Ang agos nito ang naghahatid sa amin kung saan man ang lugar na aming pupuntahan.” Walang pagdadalawang-isip na salaysay ng Agos. “Kung gayon kayo ay kakaiba sa amin. Ang mga taong katulad ko ay naglalakbay sa pamamagitan ng aming mga paa at kung minsan ng banka o hindi kaya’y mga sinasakyang hayop.” Namamanghang sagot ni Lin-ay Lapuri. “Subalit ako ay nagtataka kaibigan, ang katulad niyong mga mortal ay ‘di dapat na nakakakita sa mga nilalang na tulad ko. Ikaw ay may kakaibang kakayahan. At ikaw ay nakakaintindi sa wikang Agos.”

Ang araw na iyon ay naghatid ng halong pagkamangha at kasiyahan kay Lin-ay Lapuri. Pagkatapos na maihatid ang inigib na tubig sa kubo siya ay nagtungo kaagad sa kubo ng babaylang Marluja. Marami siyang katanungan sa babaylan upang bigyan ng kasagutan ang lahat na nangyari sa ilog, ang tungkol sa kaibigan niyang si Dalag Serida. “Tao po! Tao po! Babaylang Marluja, ako po ito si Lin-ay Lapuri, may konting katanungan lang po.” Lumabas ng kubo ang babaylan upang silipin ang panauhin. Ang babaylang Marluja ay nasa katandaan na rin subalit nakaukit sa kanyang mukha ang kagandahan ng ito’y dalaga pa lamang. Ang mahabang puting buhok niya ay nagpapatunay sa kaalaman at kakayahan nito na hinubog ng panahon. Tulad ng ibang babaylan nakasuot ito ng mahabang roba na kulay itim. Sa kanyang le-eg ay ang kwentas ng karunungan na sinasabing pinagkaloob ng Diyos ng Kaalaman sa kanya.

“Lin-ay Lapuri, ano ang mapaglilingkod ko iha?” inakbayan nito ang dilag papasok sa kanyang kubo. “Maupo ka iha. Tila may mga katanungan kang kailangan masagot?” paunang tanong nito. “Babaylang Marluja, kaninang umaga sa ilog ng ako ay magsalok ng tubig ako may nakilala na kakaibang nilalang. Siya ay si Dalag Serida, isang Agos daw. May alam po ba kayo tungkol sa kanila?” Salaysay ng dalaga. Tumungo ang babaylan sa isang mesa at kumuha ng maiinom para sa kanilang dalawa ni Lin-ay Lapuri. “Agos... Ang mga nilalang ng tubig. Ang mga elemental na nilalang ni Bathala. Ang nakita mo sa ilog ngayong umaga ay kakaibang pagtatagpo.” Dala-dala ang dalawang maiinom para sa kanilang dalawa ng dilag. “Ano po ba ang alam mo tungkol sa mga kauri nila babaylan?” Napaisip ang babaylan kung sasagutin niya ba ang mga katanungan ng dalaga. Lingid sa kaalaman ni Lin-ay Lapuri, alam ni Marluja na sadyang itinakda ang pagkikita nila ng Agos na nilalang.

Views: 27

Tags: filipino, irish, lapuri, lin-ay, novel, sequihod

Comment

You need to be a member of Asian University Digital Resource Network to add comments!

Join Asian University Digital Resource Network

Comment by IRISH SEQUIHOD on January 31, 2012 at 7:03pm

hahahha..hirap kapag walang time Sir Joel...:P 'Di ko pa nga na e edit ng maayos.:( pero tatapusin ko ang kwento..:)

Comment by Joel Yuvienco on January 31, 2012 at 8:24am
Epic fate. Awaiting the next installment. :-)

Get AUDRN updates via email!

Enter your email address in the space below, then click on Subscribe:


Delivered by FeedBurner

© 2012   Created by Joel Yuvienco.

Badges  |  Report an Issue  |  Terms of Service

Offline

Live Video